Drama King Philosophizing
Grrrrr.
Nakakainis.
Sobrang nakakainis.
Ewan.
Ang OA.
Palagi nalang kasi mali.
Hindi kayo marunong umunawa.
Pakiramdam n'yo, kayo ang laging tama.
Sino nagsabi? Edi kayo rin.
Ang masama pa nito, wala na kaming karapatan magsalita.
Ano 'to, Martial Law?
Tapos, kapag naninindigan kami sa aming mga paa, labis n'yong dinaramdam. Nagpapaka-OA na kayo. Kung anu-ano ang sinasabi. At iyon ang nakakakainis. OO... ako rin. Maraming hinanakit. Hinanakit na pinagtagpi-tagpi ng panahon.Nagrerebelde na ako. Gusto ko ng pagbabago. May katiwalian.
Sa pagiging OA, marami kayong sinasabi. Hindi pinag-iisipan kung maganda pa ba ang sinasabi. Wala kayong iniisip, basta masabi n'yo lang ang gusto n'yong sabihin, masaya na kayo. Kami, ayun, nabingi at naiinis. Patuloy na naiinis. Sa paulit-ulit na ganito, nabubuo ang hinanakit na ito. Na dadalhin ko habang panahon.
OO... masama na kung masama. Manhid na ako minsan. Totoo, sana ay nagkandamatay na noong sanggol pa lamang. OO, sana nga!
Matagal ko nang gusto isulat ito, pero wala ako palagi sa timing, walang spice, walang emosyon. Buti nalang at may nangyari... ulet.
E anu ngayon kung napakasimple lang ng argumento ko? Ang simple at mumunti, maaaring makapagpasabog ng buong mundo.
OO... sinabi mo eh. Sinabi mo na 'yan ilang beses na. Wala na sigurong pagbabago. Pero ako, magbabago. Dahil gusto ko. Dahil ito ang itinuro n'yo sa akin.
Ngayon ay nauunawaan ko na rin. Dahil naranasan ko na. Sana lamang ay tingnan muna ang sarili bago ang iba. Dahil hindi maganda na nag-aaral ako tapos hindi ko nagagamit at taliwas pa ang nangyayari. Iyon ang bisa ng mahiwagang meron sa pilosopiya. Naninindigan ako, dahil sa tingin ko, ito ang tama. Pero hindi ibig sabihin noon na masama na ako, katulad ng sinasabi n'yo!
8:11 PM
Friday, August 12, 2005